Halos 900 indibidwal sa Camarines Norte nabakunahan kontra COVID- 19 sa unang tatlong araw nitong linggo

CAMARINES NORTE- Umaabot sa 896 na indibidwal ang nabakunahan kontra COVID- 19 sa Camarines Norte sa unang tatlong araw nitong linggo o mula November 21- 23.

Batay ito sa tala ng Provincial Covid- 19 vaccination center na inilabas kahapon, November 24.

Kapansin- pansin na ang maraming mga nabakunahan ay sa mga bayan kung saan ginagawa ang Barangayang Suyod Bakuna.

Pinakamarami ang nabakunahan sa Labo sa loob ng panahong nabanggit na mayroong 235 at Daet na may 201.

Ang bayan naman ng Mercedes ay nakapagbakuna sa 92 indibidwal, 89 sa Sta Elena at 85 sa Jose Panganiban.

Ang bayan naman ng Basud ay nakapagbakuna ng  59 na indibidwal, 45 sa Paracale at Vinzons habang 19 sa San Lorenzo Ruiz at Capalonga.

Anim lang ang nabakunahan sa Talisay at isa sa San Vicente.

Sa 193 namang nabakunahan noon lang Martes nasa 174 ang nabakunahan ng Pfizer at 19 ang Sinovac.

Nasa 101 dito ay nabakunahan ng booster shot, 53 ay first dose, 26 ang second dose habang 13 ang additional dose.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *