Health Department, nilinaw na ‘expected’ na ang pagpasok ng mga bagong variants ng COVID-19

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na mayroon itong mga nakalatag na hakbang ang pamahalaan para masigurong hindi mapipilay ang healthcare services sa bansa kasunod ng kumpirmadong kaso ng BQ.1 Omicron subvariant sa bansa.

Ito ay kahit na inilalarawan bilang mas transmissible at highly immune evasive ang variant, kung ikukumpara sa iba pang mga Omicron sublineages.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOH na nananatili pa rin sa ‘low risk’ level ang healthcare utilization rate sa bansa, at mayroong mga safeguards para maiwasan ang pagkalat ng malalang infection dulot ng naturang variant.

Sinabi naman ni Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ‘expected’ na ang emergence ng iba’t ibang mga variants ng COVID-10.

Aniya, natural lamang na nagmu-mutate ang isang virus kaya naman ang pinakamahalaga pa ring hakbang para malabanan ito ay ang pagsunod sa mga umiiral na health protocols; at lalo na ang pagpapabakuna.
#

RELATED STORY:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *