Heart Evangelista, umalis na sa bahay na tinitirhan nila ni Chiz?

Usap-usapan ngayon ang umano’y pag-alis na ni Heart Evangelista sa bahay na kanilang tinitirhan ng asawang si Sen. Francis “Chiz” Escudero, sa gitna ng mga espekulasyon na sila ay hiwalay na.

Batay sa ulat, nakatira ngayon sa isang condo ang aktres.

Sa gitna nito, wala ding kumpirmasyon o pagtanggi mula sa kampo ni Heart, na simula’t simula ng isyu ay naging tikom ang bibig.

Bago nito, lumutang din ang isyu ng umano’y pagkaka-link ni Evangelista sa isang Italian na lalaki na nakita sa kanyang mga trips abroad.

Matatandaan na unang lumutang ang isyung may problema sa relasyong mag-asawa ng dalawa, nang tanggalin ni Heart ang apelyedong Escudero sa kanyang nstagram profile name, na umani ng reaksyon mula sa mga netizens.

Leave a Reply

Your email address will not be published.