Higit 1k na pamilya sa Cagayan, inilikas dahil sa baha; food packs, nakahanda nang ipamahagi ng DSWD R02 sa mga LGU

Umabot na sa 1,750 na pamilya na binubuo ng 7,116 na indibidwal ang inilikas sa lalawigan ng Cagayan matapos malubog sa tubig baha ang labinlimang munisipalidad sa probinsya dahil sa epekto ng bagyong Maring.

Mula sa naturang bilang 480 na pamilya o katumbas ng 1,700 individuals ang nasa mga evacuation center habang ang iba ay pansamantalang nanuluyan sa kanilang mga kaanak o kapit-bahay.

Ang mga munisipalidad na lubog sa baha ay ang Allacapan, Appari, Baggao, Buguey, Calayan, Gonzaga, Lallo, Lasam, Pamplona, Peñablanca, Rizal, Sanchez Mira, Sta. Teresita, Claveria at Sta Ana, Cagayan.

Kaugnay nito ay, umiiral na ang provincewide no sailing at liquor ban sa Cagayan.

Suspendido na rin ang trabaho ng government employees sa bayan ng Lallo, Abulug, Lasam at Camalaniugan.

Samantala, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 02 nakahanda na ang mga food at non-food items para ipamahagi sa mga lokal na pamahalaan na apektado ng bagyo.

Mayroong 22, 490 Family Food Packs ang nakahandang ipadala sa mga LGU at standby fund na 4.9 million pesos na nakalaan para sa quick response disaster activities.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *