Presensya ng kapulisan sa kapitolyo, hindi dapat ikabahala – Albay PPO

“Kaligtasan ng mamamayan at katahimikan sa lipunan, responsabilidad ng kapulisan.

Ito ang naging pahayag ni PCol. Fernando Cunanan, J., ang Provincial Director ng Albay Police Provincial Office (PPO) sa isang panayam.

Aniya, hindi dapat ikabahala ng mga Albayano ang presensya ng kapulisan sa labas ng kapitolyo dahil kaligtasan ng mga empleyado at mga makikipagtransaksyon sa loob nito ang kanilang prayoridad.

Kaligtasan umano ang kanilang hangarin kung kaya’t mas nanaiisin ng mga ito na manatili sa pamahalaang panlalawigan.

Dagdag pa nito, ang pinaigting na presensya ng kapulisan sa lalawigan ay bilang “preventive measure,” matapos makarating sa kaalaman ng mga otoridad ang malaking bilang ng mga tao na nagtipon-tipon sa kapitolyo.

Kaya bilang pagsuporta sa lokal na himpilan ng pulisya ng Legazpi na naatasang magpanatili ng kaayusan at kapayapaan sa nabanggit na lunsod, nagbigay ng karagdagang pwersa ng pulisya ang Albay PPO upang mapigilan ang sinumang indibidwal na maaaring magsamantala sa maayos na pagtitipon ng mga mamamayan.

Binigyang-diin ng opisyal na tungkulin nilang tiyakin ang kaligtasan ng lahat ng mamamayan at panatilihin ang katahimikan sa lipunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *