Hindi pagsunod sa public safety standard ng mga establisyemento sa kahabaan ng Cory Aquino Boulevard at iba pang lugar maaari ng masampahan ng kasong administratibo

CAMARINES NORTE – Naglabas ng tagubilin si Provincial Tourism Officer Mariano ”Bong” Palma sa mga may ari at nagpapatakbo ng mga establisyemento na pinuntahan ng kanyang tanggapan kasama ang mga kapulisan sa direksyon ng Provincial IMT.

Sinabi ni Palma na maari ng sampahan ng kasong Administratibo o pagkakasara ng mga establisyemento ang mga vendors na hindi susunod sa minimum public health and safety standards.

Ito ay matapos na magsagawa ng inspeksyon sa kahabaan ng Cory Aquino Boulevard at nakita nila ang ilang establisyemento na hindi sumusunod sa mga minimum health standard, kung kaya sila ay nag papaskil ng instant COVID-19  reminders para sa mga kostumer at mamamasyal.

Sa muli nilang pagbisita sa nasabing boulevard nakitaan nila ng mga pagbabago ang mga establisyemento at sumusunod na sa mga kautusan.

Binisita din ng PTOO ang ilang tourism related establishments katulad ng mga hotels, restaurants at private resorts na pinagdarausan ng mga kasal, seminar at debut sa mga bayan ng Daet, Labo at San Lorenzo Ruiz.

Umabot naman sa 41 na establisyemento ang nabigyan ng babala nakatanggap ng notisya mula sa PIMT.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *