CNPPO nagbigay ng paalala ukol sa pag po-post ng school cards ng mga estudyante gamit ang social media

CAMARINES NORTE- Nagbigay ng paalala ang CNPPO para sa mga magulang at mga estudyante ng Camarines Norte na huwag ng i-post pa sa social media ang mga larawan ng school I.D , Report Cards at mga Certificates dahil ito ay naglalaman ng mga sensitibo at mahahalagang impormasyon ng mga bata.

Ito ay kaugnay sa ipinalabas na paalala ng DePED kamailan, para sa ikabubuti ng bawat estudyante.

Sa pamamagitan kasi nito maaaring malaman ng ibang tao ang mga impormasyong nakasaad sa dukomento katulad ng

  • Buong pangalan ng bata kasama ang pangalan ng paaralan na nakasaad dito ay maaaring gamitin upang  mabilis na matuloy kung saan ito naroroon.
  • Learner Reference Number (LRN) ito ay natatangi sa isang mag aaral at sa pamamagitan nito ay maaaring makita ang kanyang historical school records kasama ang mga marka at mga personala na pagkakakilanlan tulad ng petsa ng kapanganakan, address ng tinitirahan, pangalan ng magulang, lahi at iba pa.

Ito ay maaring magamit sa Identity Theft o pagnanakawng pagkakakilanlan.

  • Lagda o pirma ng school administrators at principals gayundin ang mga logos at headers ng mga paaralan.

Ang mga ito ay maaari ding makopya

  • Ang buong diploma o certificate ay makokopya din

Lahat ng ito ay maaaring magamit upang makapang biktima o manloko ng kapwa na maaaring ikapahamak ng mga bata at ng mga kaanak nito.

Bagamat ito tunay na maipagmamalaki nararapat lang na isipin muna ang magiging kapakanan ng mga estudyante.

Mahalaga na mabigyan sila ng matinding proteksyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *