Hinihinalang rocket debris narekober ng mga mangingisda at PCG sa Zambales

Narekober ng mga mangingisda at Philippine Coast Guard Zambales ang isang hinihinalang rocket debris nakalipas na Sabado.

Ayon kay PCG Subic Sub-Station Commander PO3 Jayson Velario, nakatanggap ang kanilang opisina ng ulat mula sa PCG Pangasinan na may namataang palutang-lutang na rocket debris sa karagatang sakop ng West Philippine Sea.

Mayroon rin umanong report ang mga local fishermen na may namataang debris at hinila na lamang ito ng commercial fishing bangka na dumating ng gabi na sa Subic.

Ayon pa sa PCG, pinaniniwalaang ito ay nagmula sa inilunsad na Long March 5b Rocket noong Oktubre sa Wenchang Space Launch Center sa Hainan, China.

Matatandaan na nag-abiso na noon ang Philippine Space Agency sa publiko sa posibilidad na pagbagsak ng debris sa dalawang drop zones na kinabibilangan ng tinatayang 72 km mula sa Bajo de Masinloc at 39 km mula sa Busuanga, Palawan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

📷PCG Subic

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *