Hornets forward Bridges, arestado dahil sa kasong felony

Inaresto ng mga otoridad ang forward ng Charlotte Hornets na si Miles Bridges dahil sa kasong felony subalit agad naman nakalaya matapos makapag-piyansa.

Sa ulat ng celebrity website na TMZ, si Bridges ay inaresto sa Los Angeles sa mga kasong felony domestic violence mula sa isang di-umano’y insidente noong Martes.

Sa isang post sa Instagram ipinakita ni Mychelle Johnson, asawa ni Bridges, ang mga pasa sa kanyang leeg, tainga, pulso at ilong.

Naglabas naman ng statement ang koponan ng Hornets at sinabing nakarating na sa kanila ang kaso ni Bridges.

“The Charlotte Hornets are aware of the situation involving Miles Bridges,” bahagi ng statement.

Ang 24-anyos na forward ang nanguna sa Hornets noong nakaraang season na may career-high na 20.2 points sa isang laro at gumawa rin ng career bests na 7.0 rebounds at 3.8 assists noong nakaraang season.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *