Household rice stocks bumaba-PSA Bicol

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Philippine Statistics of Authority (PSA) Bicol na bumaba sa buwan ng Mayo ang household Rice Stocks sa nasabing rehiyon.

Ayon kay Danilo Lucena, ang chief statistical specialist ng PSA, nasa 19% ang ibinababa sa buwan ng Mayo taong 2021 kung saan mayroong lamang na 112, 692 ang naimbak na bigas sa loob ng bahay sa buong Bicol Region kumpara sa taong 2020 ay mayroong 139, 622 na stocks.

Ang pagbaba ng stocks sa mga household ay dahil sa dumarami ang nakokonsumo na bigas sa loob ng bahay.

Layunin ng pag iimbak ng bigas sa loob ng tahanan ay dahil sa di matukoy kung tataas o bababa ang production at presyo ng bigas sa merkado.

Sinabi pa ng opisyal, kung ang bigas naman ay laging nabibili sa mga tindahan ay di na kailangan pang mag imbak ng bigas dahil sa mayroong expiration at posible umano na magkakaroon ng hoarding.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *