HPG nag-inspeksyon sa mga motorbanca kasunod ng mga ulat na dito dinadala ang mga nakaw na makina ng mga motorsiklo

Nag-inspection ang mga tauhan ng Philippine National Police Highway Patrol Group sa ilang mga motorbanca sa Minaogan Port sa bayan ng Vinzons, Camarines Norte nitong Biyernes.

Kasunod  yan ng mga ulat na ginagamit sa mga maliliit na bangka ang mga nakaw na makina ng motorsiklo kaya hindi na narerekober pa.

Kasama ang PNP Maritime group at Philippine Coast Guard, ay nag- inspeksyon sa mga bangka at nakipag- usap ang HPG sa mga bangkero sa lugar.

Ayon kay PMaj Joselito Quila, Provincial Officer ng HPG Camarines Norte, lumalabas sa kanilang inspeksyon na wala naman silang nakitang  nakaw na makina ng motorsiklo sa ilang bangkang kanilang ininspeksyon.

Sa kabila nito nagbabala si Quila na mahaharap sa kakukulang kaso ang mga mahuhuling nag- iingat ng mga nakaw na makina ng sasakyan.

Kumpiyansa naman ang opisyal na walang ganitong nangyayari sa Camarines Norte hindi tulad sa ibang lugar.

Itinanggi rin ng mga bangkero na mayroong nangyayaring ganito sa kanilang lugar at nangako ng kooperasyon sa mga awtoridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *