Hygiene kit at simpleng token ipinamahagi ng LTO kasabay ng pagdiriwang ng father’s day

CAMARINES NORTE – Sama-samang  ibinahagi at ipinaramdam ng mga PNP personnel, LTO Daet at mga independent order of ODD fellows ang pagmamahal at pagbibigay pugay sa mga amang driver na sumusunod sa batas kasabay ng pagdiriwang ng araw ng mga ama o father’s day kahapon

Pinangunahan mismo ni OIC LTO Daet Chief Dina David ang pamimigay ng mga simpleng token sa maga drivers, kung sàan kasabay ng pagsasagawa ng roadside inspection.

Ibinigay ang mga hygiene kit na may laman ng mga sabon, shampoo, face towel, alcohol, at iba pa, bukod pa dito ang mga tubig at pagkain na ibinigay sa mga byahero.

sabay sabay din ang ginawang pamamahagi o pagpapakain ng lugaw sa may Bagasbas Beach.

Pinuri ng mga operatiba ng Daet Police sa pamamagitan ni PLCol Chito Oyardo ang naging initiatibo ng ibat ibang grupo na pinangunahan mismo ng Daet LTO.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *