Iba’t- ibang departamento ng CNPH functional na ngayong linggo matapos ang ilang kinaharap nitong mga nagdang araw

CAMARINES NORTE- Tiniyak ng Provincial Health Office na functional ang iba’t- ibang departamento ng Camarines Norte Provincial Hospital ngayong linggo.

Ito ay makaraang magkaroon ng problema nitong mga nagdaang araw partikular sa pag admit ng mga pasyente.

Matatandaan na noong nakaraang linggo ay pansamantalang hindi tumanggap ng mga pasyente sa OB section dahil walang mahanap na OB Gyne ang pamunuan ng ospital.

Ang ginawa ng CNPH ay nirefer ang mga pasyente sa pribadong ospital.

Ayon kay Acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco maayos na ngayon sa OB ward at nakapagsasagawa na umano ng pag opera kung mayroong isasailalim sa caesarian operation gayundin ang iba pang elective surgery sa mga babae.

Tuloy- tuloy din aniya ang serbisyo sa pediatric at medical department.

Bago ito ay ilang araw ding hindi tumanggap ng pasyente ang CNPH dahil sa dami ng mga health workers na nagkakasakit kabilang na ang mga doctor at nurses.

Nais din ni Francisco na isailalim sa Rapid Antigen test at RT PCR test ang iba pang mga empleado ng ospital upang masigurong ligtas ang mga ito sa COVID- 19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *