Iba’t ibang mga aktibidad sa pagdiriwang ng Mother’s Day, isinagawa kahapon sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Iba’t ibang mga aktibidad ang isinagawa kahapon sa Legazpi City para sa mga ina bilang pagdiriwang ng Mother’s Day sa isang hotel sa lunsod.

Labis na ikinatuwa ng ilang mga nanay ang supresang isinagawa ng mga bata mula sa Holy Cross Children’s Home Foundation Inc.

Ang mga bata ay nag alay ng kanilang mga awitin, gumawa ng video production, at binigay ang kanilang mga artworks sa mga nanay.

Sa isa namang mall sa kaparehong lungsod, ginanap ang “Harana para kay Mama” na dinaluhan ng iba’t ibang mga talentadong mga bata na nag-alay din ng kanilang mga awitin sa mga nanay.

Sa isang social media post naman, nagpaabot ng mensahe ng pasasalamat si Legazpi City Mayor Geraldine Rosal sa walang sawang nagmamahal at sumusuporta sa kanilang mga anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *