Ifugao, ibinaba sa Alert Level 3, simula ngayong araw

Ibinaba na sa Alert Level 3 ang classification para sa COVID-19 ang Ifugao, mula ngayong araw hanggang sa February 15.

Ang mga lugar na nasa ilalim ng naturang alerto ay may mataas at tumataas na bilang ng infections, kung saan ang bed at intensive care unit utilization rate ay uptrend rin.

Kaugnay nito, ang in-person classes, contact sports, amusement parks, live concerts, at casinos ay mariing ipinagbabawal, habang ang indoor gathering ay limitado lang sa 30% ng capacity para sa fully vaccinated people at 50% sa outdoor venues.

Ayon naman kay acting presidential spokesperson Karlo Nograles, ang anim pang mga probinsya sa Cordillera Administrative Region, at probinsya mula sa 15 ibang rehiyon ay isasailalim sa mid-level alert hanggang sa Feb. 15.

Samantala, ang Metro Manila at pitong iba pang probinsya ay ibababa sa Alert Level 2 ng 5-level alert system, simula rin ngayong araw (Feb 1.)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *