Ilang bayan sa Camarines Sur binaha dahil sa Bagyong Amang

NAGA CITY- Binaha ang ilang bayan sa Camarines Sur dahil sa Bagyong Amang kaninang umaga; ang ilang mga maliliit na sasakyan hindi nakadaan.

Sa bayan ng Bombon partikular na sa Barangay San Roque, umabot na sa ilang kabahayan ang tubig. Sa pangunahing kalsada, mga malalaki at matataas na sasakyan lamang ang nakakadaan.

Ayon kay Eleuterio Barrios, dekada na ang problema, sana aniya ay maaksyunan na.

Sinabi naman sa Brigada News FM Naga ni Punong Barangay Albert Angeles, galing sa sakahan ang tubig, hindi rin aniya ito madali para sa council.

Samantala sa Magarao, baha rin sa Sta. Lucia, San Isidro, San Juan at Tabog. Hindi makadaan ang maliliit na sasakyan sa Tabog area.

Sa Calabanga naman, mataas na rin ang tubig sa compound ng paaralan sa Central Pilot School, pinasok na ng tubig ang ilang kabahayan malapit dito.

Nanatiling nakaalerto ang MDRRM Offices lalo na’t kaninang umaga malakas ang pagbuhos ng ulan sa lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *