Ilang mga bala at anti personnel-mines, nakuha ng Phil. Army sa Oas, Albay

Kinumpirma ng 9th Infantry Division ng Philippine Army na may mga narekober na bala at anti-personnel mines sa Brgy. San Antonio, Oas, Albay.

Ang mga narekober ay maaaring mga kagamitan ng Communist Terrorist Group (CTG) na nakaengkwentro nila nitong nagdaang mga linggo.

Ayon kay 9th Infantry (Spear) Division at Joint Task Force Bicolandia (JTFB) Commander Maj. Gen. Adonis Bajao, sa isinagawang mahigpit na pagpapatrolya ng 4th Infantry Battalion sa nabanggit na barangay ay may mga nakuha itong 8 anti-personnel mines; 1,747 na mga bala at 180 metro ng electrical wires.

Sinabi ng opisyal, mas palalakasin pa nito ang seguridad sa barangay at pakikipag-ugnayan sa mga komunidad upang mabigyan ng proteksyon ang mga residente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *