Ilang mga evacuees sa Naga, pinayagan nang makauwi

NAGA CITY – Pinayagan nang makauwi ang ilang mga evacuees sa Naga.

Halimbawa sa Concepcion Grande, na ayon kay Punong Barangay Michael Oliva ay wala ng baha sa mga lugar ng mga ito.

Katuwang ang mga personahe ng Police Station 2, inihatid ng mga pulis ang mga evacuees sa pamamagitan ng kanilang mobile patrol, kasabay ng sasakyan ng barangay na minaneho naman ni Kapitan Oliva.

Sa paliwanag sa Brigada News FM Naga ni PLt. Col. Errol Garchitorena, Chief for Operation ng Naga City Police Office at Commander Incident Management Team, sinabi niyang puwede ng makauwi ang mga evacuees depende sa assessment ng kanilang mga barangay opisyal.

Kun ligtas na sa baha ang mga evacuees puwede ng umuwi, kung hindi pa huwag magpumilit.

Kaninang umaga, tumila ang ulan pero ilang oras ang nagdaan paabot-abot pa rin ang pagbugso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *