Ilang miyembro ng grupong MANIBELA – sinampahan ng reklamo ng QCPD

Tuluyang sinampahan ng reklamo ng Quezon City Police District (QCPD) ang ilang miyembro sa MANIBELA kasama na ang lider nitong si Mar Valbuena.

Ito’y kaugnay sa perwisyong idinulot ng kanilang ikinasang dalawang araw na transport strike nitong April 15 hanggang 16 sa Quezon City.

Ayon sa QCPD, lumabag ang grupo sa public assembly act, alarm and scandal, resistance and disobedience at direct assault upon a person in authority.

Iginiit ng naturang himpilan ng pulisya na nagdala ng perwisyo at nakaabala sa mga motorista at mga pasahero nang harangan nila ang Commonwealth Avenue, East Avenue, at Quezon Avenue.

Sa panig naman ni Valbuena, sinabi nitong ang mga pulis naman ang nagharang sa kanila na nagresulta para sila’y huminto sa Commonwealth Avenue.

Dagdag pa nito, kung hindi sila kinompronta ng mga pulis naging maayos sana ang kanilang pagkilos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *