Liderato ng Kamara, pinulong ang retailers at agricultural groups

Makikipag-ugnayan si House Speaker Martin Romualdez sa Department of Agriculture upang iparating ang hinaing ng agricultural producers patungkol sa tumataas na presyo ng pagkain sa merkado.

Sa pakikipagpulong nina Romualdez at Deputy Majority Leader Erwin Tulfo sa supermarket operators, retailers at agricultural groups, nailatag ang mga iniindang problema lalo na sa mga palengke kung saan mayroong mga “middleman” na nagpapataas sa presyo ng produkto.

Ayon kay Romualdez, batid nila ang hinaing ng mga producer sa ginagawang pag-aangkat ng pamahalaan kaya kakausapin niya si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel.

Ngunit ipinunto ng House Speaker na kailangang balansehin ang lahat kung saan dapat ay abot-kaya ng consumers ang pagkain at kumikita pa rin ang mga negosyante.

Isusulong naman aniya sa Mababang Kapulungan ang pagpasa ng mga batas na magpapatatag sa value chain.

Samantala, tiniyak din ni Tulfo na nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Kamara hinggil sa mga middleman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *