Ilang paaralan sa Iriga City, hindi sasailalim sa blended learning system

NAGA CITY – Sa 50 paaralan sa lungsod ng Iriga, hindi pa aabot sa 20 ang sumasailalim sa Blended Learning System kaugnay sa mainit na panahong nararanasan.

Ito ang napag-aralaman ng Brigada News FM Naga kay School Division Superintendent ng DepEd Iriga, Dr. Manny De Guzman. Halos lahat kasi ng mga paaralan sa lungsod maganda ang sitwasyon at hindi gaano apektado ng mainit na panahon, kaya ang iba ay hindi nag-rerequest sa kaniyang opisina para sa nasabing sistema ng klase.

Katunayan nga hanggang ngayong buwan lamang ng Mayo ang kanyang pag-apruba dahil nga sa pabago-bago rin ang panahon, mag-eextend na lamang kung lalala ang init.

Nakadepende rin kasi sa desisyon ng isang paaralan sa lungsod lalo na’t kailangan din ang pagpayag ng mga magulang, kung sa konsultasyon aniya sa mga ito hindi naging maganda ang resulta, maaaring ang ibang paaralan ay hindi talaga magblended learning.

Tuloy naman ang monitoring ng opisina kasama ang Curriculum Implementation Division sa pagplano lalo na sa mga paaralang nasa blended learning system upang masiguro na tuloy-tuloy rin ang pag-aaral ng mga bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *