Ilang puno bumagsak, at pagtaas ng tubig naranasan sa ilang parte ng Olongapo dahil sa malalakas na pag-ulan

Nakaranas ng malakas na pag-ulan ang Olongapo City kahapon hanggang kagabi.

Dahil dito may puno na bumagsak sa may Rizal Triangle kung saan may sasakyang nadamay.

Tumaas rin ang tubig sa ilang barangay sa lungsod katulad na lamang sa old Cabalan.

Ayon kay Kap. Lester Nadong, ito ay dahil na rin sa ilang drainage project na hindi natapos at mga basurang itinapon kung saan.

Nagpaalala naman ito sa mamamayan na iwasang lumusong sa tubig baha lalo na kung may sugat para iwas leptospirosis.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: BFP Olongapo

May be an image of 1 person

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *