Ilang Senador, kinuwestyon kung bakit ipinipilit na China ang ka-deal ng Pilipinas sa WPS exploration

‘Bakit China lang?’ Ito ang naging tanong ni Senadora Grace Poe sa nakatakdang muling pagbubukas ng dayalogo para sa joint exploration sa West Philippine Sea sa pagitan ng Pilipinas at ng China.

Ayon kay Poe, marami pa naman daw ibang pang mga claimants sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea at hindi lang ang China.

Nakapagtataka raw kasi na China pa rin ang ating makaka-deal gayong dose-dosenang mga diplomatic protests na ang inihain natin laban sa kanila dahil sa mga paglabag sa ating teritoryo. Idiniin ni Poe na marmai pang dapat isaalang-alang kabilang na ang transparency apgdating sa mga ganitong uri ng usapan.

Bago ito, una nang umapela sina Senators Francis Tolentino at Chiz Escudero na dapat ay kasama rin ang Senado sa joint exploration talks.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *