Ilang Senior Citizens sa Naga City hinimatay sa loob ng simbahan dahil sa sobrang init ng panahon

NAGA CITY – May ilang senior citizens ang hinimatay na sa loob ng simbahan, na heat stroke ang mga ito dahil sa sobrang init ng panahon.

Ang insidenteng ito ang naitala ng City Disaster Risk Reduction Management Office.

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay CDRRMO Chief Ernesto Elcamel sinabing may ilan pang dinala sa ospital dahil sa heat stroke.

Anya’y nakakabahala ang ganitong senaryo dahil sa hindi lang naman ang mga senior citizens ang apektado kundi maging ang ibang nasa vulnerable sectors tulad ng Persons With Disability, may high blood pressure at iba pang may comorbidities.

Ang ganitong mga insedente sa simbahan at iba pang pampublikong lugar sa lungsod ay dapat na bigyan atensyon ng City Health Office ayon pa sa CDRRM Officer.

Dagdag nito , magkagayunman ang mga barangay health workers ay lagi namang nakaagapay tuwing may ganitong senaryo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *