Imperial kay Raval: ‘alam mo naman na hindi ka kabit ni Diego, magsalita ka’

Nagpasaring ang aktres na si Barbie Imperial na hindi interesado ang boyfriend niya na si Diego Loyzaga sa showbiz newcomer na si AJ Raval.

Sa isang interview ay sinabi ni Imperial, “Kung wala kang kinalaman, o alam mo naman na hindi ka kabit ni Diego, magsalita ka,”

Dagdag niya, “For me, bakit parang gusto mo na nangyayari ‘to lahat — na nagka-thing kayo ni Diego?”

Inihayag ni Imperial, 23-anyos, ang kaniyang pagkadismaya sa pananahimik ni Raval sa kabila ng mga akusasyon na meron itong romantic ties kay Loyzaga.

Partikular na tinukoy ni Imperial ang “blind item” ng social media personality na si Xian Gaza kung saan ay pinangalanan sila ni Loyzaga bilang celebrity couple na nanggulo sa isang hotel room.

Ipinunto ni Gaza na nag-away sila Imperial at Loyzaga dahil sa relasyon umano ng aktor kay Raval.

Inamin ni Imperial na na-stress siya sa mga walang katotohanan na mga akusasyon, ngunit ayaw na niyang patulan si Gaza dahil alam niya na ito talaga ang gustong mangyari ng social media personality.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *