Senado, target na maipasa ang P5.2-trillion 2022 budget sa susunod na linggo

Target ng Senado na maipasa ang panukalang P5.24-trillion national budget para sa 2022 sa susunod na linggo.

Sinabi ito ni Senate President Vicente Sotto III kasunod ng pagtatapos ng plenary deliberations ng Senado sa panukala.

Ayon kay Sotto, umaasa sila na maipapasa na sa December 1 ang General Appropriations Bill (GAB).

Samatala, isusunod na ng Senado ang period of amendments kung saan ay maaring gumawa ng mga pagbabago ang mga senador sa GAB hanggang sa susunod na linggo bago ito tuluyang maaprubahan.

Para makatipid sa oras, ay pinayagan ang mga senador na magsumite ng kanilang proposed amendments imbis na banggitin pa nila ito sa gitna ng kanilang sesyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *