IMT-Catanduanes, muling nagpaalala sa publiko hinggil sa mga behikulong nag-aalok ng iligal na transportasyon online pauwi sa lalawigan

BICOL—Muling pinaalalahanan ng Catanduanes Incident Management Team Against COVID-19 ang publiko hinggil sa lumalaganap nanamang “carpooling” at mga pribadong behikulo na nag o-offer ng serbisyo mula sa NCR pauwi sa islang lalawigan.

Ayon sa IMT, hindi nila pinapayagan ang ganitong uri ng transportasyon dahil ito ay iligal lalo na at nangyayari lamang ang transaksyon nito sa mga social media sites gaya ng facebook at messenger.

Hindi rin aniya pinahihintulutan ang mga hindi naman APOR, LSI at ROF na pumasok sa probinsiya lalo na ang mga galing sa MECQ areas .

Kaugnay nito, hiningi na rin ng IMT ang tulong ng Land Transportation Office upang matigil ang ganitong iligal na pagbiyahe ng mga private van at iba pang behikulo.

Sa huli, ipinaalala rin ng IMT na mahigpit na ipinatutupad ngayon ang S-Pass System sa lahat ng mga biyahero na papasok sa lalawigan bago mabigyan ng Travel Coordination Permit.

Required din ang pag presenta ng negationg swab test o antigen test result ng lahat ng mga inbound passengers mula sa labas at loob ng Bicol region.##

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *