Ina, 30 taon na makukulong dahil sa pag-iwan sa anak hanggang sa mamatay sa kotse

Isang ina sa Panama City ang sinentensiyahan ng 30 taon pagkakulong dahil sa pag-iwan sa kanyang sanggol hanggang mamatay sa isang mainit na kotse sa loob ng apat na oras.

Ayon sa ulat ng PEOPLE, nakatanggap ng maximum sentence si Megan Dauphin nitong May 17 sa kasong aggravated manslaughter, matapos mapatunayang guilty sa pagpatay sa sarili niyang anak na babae noong Abril.

Sinama umano ni Megan ang anak sa isang tindahan para bumili ng sigarilyo noong September 2020.

Napagtanto ng ina na iniwan niya ang anak sa kotse nang hanapin na siya ng kanyang step daughter.

Ngunit huli na ang lahat matapos matagpuang patay na ito.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad, na high sa methamphetamine si Megan nang mangyari ang insidente.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *