Bilang ng mga narekober na bangkay sa Kenya cult, umakyat na sa 226

Umakyat na sa 226 ang bilang ng mga bangkay na narekober ng mga awtoridad sa mass grave na ipinagawa ng isang pastor na inakusahang kulto sa Kenya.

Ayon sa mga awtoridad, labing limang bangkay ang huling nadiskubre sa mass graves sa Shakahola forest malapit sa coastal town ng Malindi.

Sa ngayon, 112 na bangkay na ang naisalalim na sa autopsies at base sa resulta, namatay ang mga ito dahil sa matinding gutom.

Pinamunuan ni Paul Makenzie Nthenge, ng nasabing kulto at sinabihan niya umano ang mga kasapi nito na patayin ang kanilang sarili sa gutom para makaakyat sa langit.

Nahaharap na sa patong-patong kaso ang pastor na dating taxi driver na bumuo ng kultong Good News International Church.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *