Incentives para sa mga nakakuha ng medalya sa modified Palarong Bicol 2023 , malapit nang maibigay sa Naga

NAGA CITY –Inaasahang makukuha ngayong linggo ang opisyal na listahan ng mga nanalo o na nakakuha ng medalya sa ginawang Modified Palarong Bicol 2023.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PJ Barrosa, City Education, Scholarships and Sports Head, sinabi nitong agad nilang ipoproseso sa panahon na makuha ang opisyal na listahan na pirmado ng DepEd upang plantsado ang pagbibigay ng insintibo sa mga atletang nagbigay ng kapanalunan at karangalan lalo na’t Over All Champion pa ang lungsod.

P3, 000.00 para sa bawat Gold Medal P2, 000.00 sa Silver at P1, 000.00 para sa Bronze Medal.

Ayon pa kay Barrosa pagbibigay rin kasi ito ng pagkilala sa mga atleta lalo na naging sakripisyo rin nila.

Dagdag pa nito kukunin ang pondo sa special education, magkakaroon ng programa sakaling maproseso na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *