INCIDENT MANAGEMENT TEAM SA CAGAYAN, NAG-DEPLOY NG KARAGDAGANG 52 RESCUERS

Na-deploy na ang karagdagang 52 na rescuer ng Incident Management Team upang magmonitor sa sitwasyon ng mga residente sa Gonzaga at Sta. Ana, Cagayan hinggil sa epekto ng bagyong Betty.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan ay inihayag ni IMT Commander Zenart Villamar na kabilang sa kanilang ipinadala ang tig-limang personnel mula sa TFLC Medic 4 at Wasar 4, anim sa TFLC Evac 4 at BFP.

Bukod dito ay mayroon pang tigsampu ang mula sa 77th Infantry Battalion Philippine Army, Marine Battalion Landing Team 10 at 203rd Regional Mobile Force Battalion Philippine National Police.

Napag-alaman na una nang nagpadala ang IMT ng 31 rescuers sa dalawang bayan upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente at karagdagang pwersa sa pagbabantay sa gabi lalo na sa mga evacuation center.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *