Incumbent barangay councillor, natagpuang patay sa bayan ng Libon, Albay

LEGAZPI CITY – Patay nang natagpuan ang isang incumbent barangay councilor sa Zone 5, Brgy. Macabugos, Libon, Albay.

Kinilala ang biktima na si Jerry Bello Vargas, 65-anyos, residente ng Zone 5, ng nasabing barangay.

Ayon sa report, hapon nang ipaabot sa Libon MPS ng isang concerned citizen sa pamamagitan ng tawag sa telepono ang tungkol sa bangkay na natagpuan malapit sa kubo ng kanyang anak.

Napag-alaman umanong umalis ang biktima sa kanilang tirahan bandang alas-sais ng uamaga noong Agosto 22, 2022 upang alagaan ang kanyang mga itik ngunit nabigong umuwi hanggang alas-3 ng hapon ng parehong petsa.

Natagpuan na lamang ang biktima na mayroonng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Dinala ang biktima sa Pantao District Hospital para kumpirmahin ng duty physician.

Nagpapatuloy pa rin ang follow-up investigation ng mga tauhan sa nasabing istasyon upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *