India’s Gennova, gumagawa ng Omicron-specific COVID-19 vaccine — source

Gumagawa umano ang India’s Gennova Biopharmaceuticals ng Omicron-specific COVID-19 vaccine candidate, na posibleng ilabas sa loob ng isang buwan o dalawa.

Ayon sa isang source na nakausap ng Reuters, na hindi nagpangalan dahil ang impormasyon umano ay private, na ang naturang produkto ay maaring kailanganin ang maliit na trial sa India, bago ito gamitin bilang booster o standalone vaccine.

Una na ring sinabi ng Pfizer Inc na ang redesigned COVID-19 vaccine na para lang sa Omicron coronavirus variant, ay maaring ilunsad sa Marso.

Inihayag naman ng naturang source, na hiwalay na isinumite ng Gennova sa India’s drug regulator ang phase 2 trial data para sa kanilang original mRNA vaccine candidate.

Sakaling mabibigyan ng emergency-use approval, ito ang kauna-unahang mRNA COVID-19 vaccine ng naturang bansa, gaya ng binuo ng Pfizer at Moderna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *