Komunikasyon sa Tonga pahirapan pa din kasunod ng pagsabog ng underwater volcano

Pahirapan pa rin ang komunikasyon sa Tonga kasunod ng pagsabog ng underwater volcano na nagdulot ng tsunami noong Sabado.

Kaugnay nito ay wala pang death na kinukumpirma ang mga otoridad doon.

Sa kabila nito, isang British ang nagsabing namatay ang kanyang 50 anyos na kapatid doon matapos tangayin ng malaking alon habang sinusubukan nitong iligtas ang kanyang alagang aso.

Matatandaan na nagpadala ng surveillance plane ang New Zealand at Australia bilang tulong kung saan tinukoy ng mga ito na nagkaroon ng “significant damage” sa western coast ng Tongatapu sa main island ng Tonga.

Umaasa naman ang Red Cross na hindi kasing tindi ng pinangangambahang pinsala ang makikita oras na makarating na ang tulong at maayos na ang komunikasyon at biyahe doon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *