Infectious diseases expert: hindi pa panahon para maghigpit ng border controls sa bansa

Hindi na kailangan pang mas higpitan ang border restrictions dahil sa COVID-19 surge sa China ayon sa isang infectious diseases expert.

Paliwanag ni Dr. Rontgene Solante, ilan sa mga rason kung bakit muling tumaas ang COVID-19 cases sa China ay dahil sa hindi fully vaccinated at hindi boosted na senior citizens.

Dagdag pa niya, ang mga transmissible Omicron subvariants sa China ay na-detect na rin sa Pilipinas gaya ng BA.5, BQ.1 at XBB.

Ang mga naturang variants ay isa rin sa mga dahilan kung bakit mataas ang hospitalization sa China.

Giit ng eksperto, hindi niya maintindihan kung bakit pa kailangang paigtingin ang borders control ng Pilipinas, gayung mayroon na rin naman talagang nangyayaring transmission ng Omicron subvariants sa loob ng bansa.

Para sa kanya, hindi na kailangan pang gumawa ng mga hakbang pagdating sa border control nang dahil sa nangyayari sa China.

Ayon kay Solante, sa palagay niya ay hindi naman mararanasan ng Pilipinas ang kaparehong COVID-19 surge gaya ng sa China. // SMM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *