Inflation rate ngayong Disyembre, posibleng pumalo sa 8.6 percent batay sa pagtaya ng BSP

Posibleng pumalo hanggang 8.6 percent ang inflation rate o ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo na maitatala ngayong buwan ng Disyembre.

Batay sa pagtaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), asahan na anilang malalagpasan pa ngayong buwan ang 14-year high 8.0 percent inflation rate noong Nobyembre.

Ayon kay BSP Governor Felipe Medalla, maglalaro mula 7.8 percent hanggang 8.6 percent ang inflation sa pagtatapos ngayong buwan kung saan inaasahang ito na ang peak o rurok ng inflation bago ang posibleng pagbaba sa January 2023.

Ayon sa BSP, ilan sa mga dahilan kung bakit nakikita nilang magkakaroon muli ng panibagong record high inflation rate ay una dahil sa pagtaas ng singil sa kuryente.

Bukod dito, kasama rin aniya sa mga dahilan ay ang pagsipa ng presyo ng agricultural commodities kasama ang mga meat at fish products at ang mataaas din na presyo ng LPG.

Gayunman, sinabi ni Medalla na may mga factors pa rin na pupwedeng pumigil sa mataas na inflation.

Ito aniya ay ang mababang presyo ng petrolyo noong mga nakaarang linggo, maging ang pagbaba ng presyo ng bigas at ang pagtaas ng halaga ng piso kontra dolyar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *