Inflation rate sa Camarines Norte sumirit pa sa antas na 7. 2  percent noong Oktubre

CAMARINES NORTE- Lalo pang sumirit ang headline inflation o bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa Camarines Norte noong Oktubre.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) naitala sa antas na 7. 2 percent ang ang headline inflation noong Oktubre na mas mataas sa 6.0 percent noong Setytembre.

Pinakamataas ito simula Enero at sa loob ng apat na taon sa magkakaparehong buwan.

Ang dahilan ng mataas na inflation noong Oktubre sa lalawigan ay dahil pa rin sa mahal na gastusin sa restaurants and accommodation services na nakapagtala ng record high na 14. 6  percent na mas mataas pa sa 13. 0 noong Setyembre.

Mataas rin ang gastos sa pabahay, tubig, kuryente at petrolyo na may 7. 8 percent inflation pero mas mababa kumpara sa 8. 7 percent noong Setyembre.

Nag- ambag rin sa mataas na inflation ang alcoholic beverages and tobacco, mahal na gastusin sa transportasyon at food and non- alcoholic beverages.

Nasa 7. 2 percent din ang naitalang headline inflation sa buong rehiyong Bicol na mas mataas sa 6. 6 percent noong Setyembre.

Ito na rin ang pinakamataas na antas ng inflation sa rehiyon simula noong Enero at sa nakalipas na tatlong taon sa magkakaparehong buwan.

Tulad noong Setyembre, pinakamabilis pa rin ang pagtaas ng mga bilihin at serbisyo sa Camarines Sur sa antas na 7.9 percent na sinusundan ng Masbate na nanatili sa 7. 2  percent.

Ang Catanduanes naman ang nagtala ng may pinakamababang inflation sa rehiyon noong Oktubre sa antas na 5. 6  percent.

Dahil sa mataas na inflation ay kakailanganing gumastos ng mas malaki ng consumer sa mga produkto at serbisyo na kanilang binibili.

Naka- “frozen” naman ngayon ang presyo ng basic necessities sa rehiyon makaraang isailalim sa “State of Calamity” dahil sa bagyong Paeng.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *