Insurgency Problem sa Bicol Region kabilang sa prayoridad ng bagong PNP Regional Director

NAGA CITY –Bibigyan ng prayoridad ni PNP Regional Director PBGEN Westrimundo Obinque ang isyu sa insurgency sa buong Bikol, lalo na iyong mga pagpapramdam naman ng mga armadong grupo sa mga lalawigan ng Camarines Norte, Sorsogon at maging sa Masbate.

Ito ang isa naging pahayag ng Heneral sa ginawaa niyang pagbisita sa lungsod ng Naga partikular na sa opisina ni City Mayor Nelson Legacion.

Batay sa kanyang paliwanag, ang ganitong mga aksyon ng mga armado ay bahagi ng “laro” ng mga ito para guluhin ang matahimik na pamumuhay ng mga sibilyan lalo na ang mga nakatira sa malalayong lugar.

Alam na nila aniya ang layunin ng mga ito, na iparamdam na buhay pa ang kanilang lakas.

Tiniyak ni Obinque na ang mga pulis at ang mga sundalo ay patuloy na nagkakaisa para bigyan ng solusyon ang insurhensiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *