IPHO So.Cot, mga LGU’s walang maipapangakong libreng pagkain sa magpapabakuna

KORONADAL CITY- WALANG maipapangakong libreng pagkain ang Integrated Provincial Health Office (IPHO) South Cotabato at mga local government units (LGU) sa mga magpapabakuna sa isasagawang “Bayanihan Bakunahan” national COVID 19 vaccination drive sa lalawigan sa November 29 hanggang December 1.

Ito ang inihayag ni Health Education and Promotion Officer Hannah Ebeo ng IPHO sa kabila ng naging pahayag ni Presidente Rodrigo Duterte na dapat ay magbigay ang mga LGU ng libreng pagkain sa mga magpapabakuna upang mapaigiting ang vaccination drive.

Ayon kay Ebeo na paubos na ang pondo ng mga LGU dahil patapos na ang taon kung kaya’t wala umanong aasahang libreng pagkain ang mga pupunta sa vaccination sites.

Sa katunayan, maging sila ay umaapela na rin ng tulong sa mga stakeholders para sa naturang aktibidad.

Ngunit pinasiguro nito na may sapat at libre silang COVID 19 vaccine sa lahat ng magpapabakuna.

Napag-alaman na mahigit sa 182,000 na mga indibidwal ang target na mabakunahan sa buong lalawigan sa tatlong araw na vaccination drive.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *