Iran, naglunsad ng daan-daang drones at missiles laban sa Israel

Naglunsad ang Iran ng daan-daang drone at missiles laban sa Israel bilang tugon sa isang Israeli raid sa Iranian consulate sa Syria dalawang linggo ang nakalipas.

Ayon sa Iraeli military, binubuo ang Iranian salvo ng higit sa 300 killer drones, ballistic missiles at cruise missiles ngunit na 99 porsiyento ay naharang sa tulong ng mga pwersa mula sa France, United Kingdom at United States.

Nagpasimula ito ng mga raid sirens sa himpapawid ng mga lungsod, kabilang ang Tel Aviv, habang nahaharang ng mga air defense ang mga projectiles.

Saad naman ng medics, isang southern Israel na babae ang nasugatan dahil sa isang drone.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *