Scottie Thompson, mas inspired na maglaro dahil sa kanyang 2nd baby

May bagong inspirasyon ang manlalarong si Scottie Thompson para maging mas mahusay ang kanyang performance sa mga susunod pa nitong laro.

Matapos kasi ang pamamahinga nito sa basketball dahil sa kanyang back injury, nagbabalik na si Thompson sa PBA at ang pagsilang ng kanyang pangalawang anak ang nagbigay sa kanya ng isa pang dahilan upang maging mas magaling na manlalaro.

Ipinanganak ng kanyang asawa na si Jinky ang kanilang pangalawang anak na si Schyler Austin noong Abril 2.

Ayon sa Barangay Ginebra star, magsisimula sana siya ng full training noong nakaraang linggo ngunit kailangan muna niyang tulungan ang kanyang pamilya bago magbalik sa court.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *