Isa patay, apat sugatan sa karambola ng sasakyan sa bayan ng Talisay Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Isa ang patay habang apat (4) naman ang sugatan sa karambola ng apat (4) na sasakyan bandang alas 8:30 ng gabi nitong Mayo 16, 2021 sa National Hi-way, Purok-1 Barangay Binanuaan, Talisay Camarines Norte

Sa naganap na aksidente Dead on Arrival ang  biktima na nakilalang sina Edmund Lazaro y Palaguinto, 40 anyos na  negosyante at residente ng Purok-2, Barangay Poblacion, Talisay, Camarines Norte, drayber ng tricycle  habang sugatan ang angkas nito na nakilalang si Jay ar Quijan y Habijan, sugatan, 25 anyos,  residente ng Purok-3, Barangay Sto Domingo, Vinzons, Camarines norte

Sugatan rin ang drayber ng kulay itim na motorsiklong Suzuki Raider 150 na kinilalang si Raymond Bacurin y Escoto, 21 anyos na magsasaka, at residente ng Purok-6, Barangay San Francisco, Talisay, Camarines Norte,

Wala namang tinamong pinsala ang drayber ng Toyota Hilux Pick-up na kulay pula na kinilalang si  Miguel Atienza y Cabading, 58 anyos,  residente ng Purok-2, Brgy Binanuaan, Talisay, Camarines Norte,

Habang kapwa malubhang nasugatan  ang drayber ng Suzuki Raider 150,  na kulay itim na kinilalang si John Edward Salva y Bonifacio 26 anyos, trabahador sa konstruksyon at residente ng Purok-4, Barangay Bibirao, Daet, Camarines Norte at ang kanyang angkas na si Jose Mancenido Jr y Royo 24 anyos na drayber, at residente ng Purok-4, Barangay Bibirao, Daet, Camarines Norte.

Ayon sa imbestigasyon na isinagawa ng mga tauhan ng Talisay MPS, habang naglalakbay si Lazaro angkas si Quijan gamit ang knyang motorsiklo na may sidecar mula sa Mega Gas Station patungo sa bayan ng Talisay, aksidenteng binangga sila mula sa likuran ng motorsiklong minamaneho naman ni Salva na naging dahilan upang mawalan ng sila ng kontrol at balanse at tuluyang bumangga sa isang Toyota Hilux Pick-up na minamaneho ni Atienza na nagresulta naman upang masagi ang isang Suzuki Raider 150 na motorsiklo na minamaneho naman ni Bacurin, na nagresulta sa pagkakatamo niya ng pinsala sa iba’t ibang parte ng katawan at ng drayber ng Suzuki Raider 150 na si Salva.

Sa kasawiang palad, si Lazaro ay ideneklarang dead on arrival ng sumuring doktor

Samantala, ang drayber at angkas ng Suzuki Raider 150 na sina John Edward Salva y Bonifacio at si Jose Mancenido Jr y Royo ay nagpositibo sa alcoholic breath test na ideneklara ni Dr. Paul Andrew Abaño, nakatalagang doktor sa emergency room ng CNPH. 

Ang drayber at ang dalawang pasahero ng Toyota Hilux ay maswerte namang walang tinamong pinsala.

Ang mga nabanggit na sasakyan na sangkot sa insidente pati na ang mga lisensya at iba pang dokumento ng sasakyan ay temporaryong nasa pangangalaga ng himpilan ng Talisay MPS para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *