Isa sa mga sugatan sa pagsalpok ng DLTB bus sa Pagbilao, Quezon, hindi umano nakatanggap ng tulong mula sa nasabing kumpanya

Hindi umano nakatanggap ng tulong ang isa sa mga nasugatan sa pagsalpok ng DLTB bus sa dalawang bahay sa Barangay Ibabang Palsabangon, Pagbilao, Quezon noong Abril 9.

Ayon sa biktima, nagising nalang siya pasado alas-10:00 gabi na may nakadag-an ng kahoy sa kanya habang humihingi ng tulong sa pamilya.

Dagdag pa niya, hindi pa umano niya nakakausap naturang pamunuan at sariling gastos nila ang pagpapagamot sa mga sugat na natamo sa nangyaring insidente.

Samantala, matatandaang nagbigay ng pahayag ang DLTB Talipan na inuuna lang nilang asikasuhin ang mga sugatan bago ang tulong na ihahatid sa pamilya ng nasirang mga bahay sa nasabing bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *