CAMARINES NORTE- Nananawagan ang isang concerned citizen sa lokal na pamahalaan ng Capalonga na ipaayos umano ang landmark na matatagpuan sa baywalk ng nasabing bayan
Ayon sa Facebook post ng concerned citizen, marami umanong turistang gustong magpapicture sa landmark ng Capalonga, subalit sira-sira na umano ito.
Matatandaang, ang baywalk na ito ay isinagawa sa ilalim ng pamumuno ng dating Mayor ng Capalonga kung saan nilagyan ang baybayin ng seawall, basketball court, open air stadium, tourism office at Pasalubong Center.
Nilinaw naman ng concerned citizen, na sana ay wag masamain ang kanyang post, ang hangarin naman umano nya ay para sa ikabubuti ng turismo at turista sa lalawigan.
Hiningan namin ng pahayag ang Lokal na pamahalaan ng Capalonga ngunit hanggang sa ngayon ay wala pa silang tugon.
