Isang Fuel attendant, huli dahil sa ilegal na pagbebenta ng petrolyo sa Puerto Princesa

Arestado sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation ( NBI Palawan) ang isang fuel attendant na si DINA D. OAB sa Barangay Maruyogon, Puerto Princesa City nitong Martes, ika-21 ng Marso.

Ayon sa NBI Palawan na pinamumunuan ni Head Agent Renato Garbo, nitong Lunes ay nakatanggap sila ng impormasyon na ang tindahan ng suspek ( Rodingson Store at/o Bakil) ay patuloy pa rin sa ilegal na pagbebenta ng produktong petrolyo.

Dahil dito, agad na nagsagawa ng buy-bust operation ang mga ahente ng NBI sa nasabing tindahan kung saan inaresto si Oab na huli sa aktong nagbebenta sa ahente ng diesel fuel bago nito tinanggap ang entrapment money, ngunit wala itong ibinigay na resibo.

Kinumpiska sa suspek ang mga ebidensya tulad ng a. dalawang (2) malalaking containers na may lamang diesel fuel; b. sampung (10) malalaking containers na may laman na gasolina c. entrapment money na isang Five Hundred Pesos (500) money bill.

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa ‘An Act Defining and Penalizing Certain Prohibited Acts Inimical To The Public Interests And National Security Involving Petroleum And/Or Petroleum Products

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *