Operasyon ng SMI, hindi saklaw ng open-pit ban ng So.Cot ayon sa Court of Appeals

KORONADAL CITY- LIMITADO lamang sa small-scale mining operations sa lalawigan ng South Cotabato ang ban sa open-pit mining method na nakasaad sa Section 22 ng Ordinance No.4, Series of 2010 ng Environment Code.

Ito ay batay sa ipinalabas na desisyon ng Court of Appeals (CA) kaugnay sa sa kaso na isinampa ng Blaan Indigenous Cultural Communities, South Cotabato Mining Corporation at Tampakan Mining Corporation na kumukuwestiyon sa naturang ordinansa.

Ayon sa CA, valid ang ordinansa ng lalawigan ngunit hindi sakop ng open-pit ban ang large-scale mining operations, partikular na ang Tampakan Project ng Sagittarius Mines Inc (SMI).

Matatandaan na umapela ang grupo ng mga IPs sa CA matapos na ibinasura ng Regional Trial Court o RTC Branch 24 ang hiling ng mga ito na ideklarang invalid ang Envi Code.

Ang nasabing desisyon ng CA ay may petsang Agosto 22, 2022, ngunit ngayon lamang inilabas sa media.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *