Isang furmom, ginamit na bouquet ang kanyang alagang aso para sa kasal

Kung ang ibang mga brides ay aligaga sa pag-aasikaso ng kanilang mga gamit sa kasal, parang chill lang ang isang bride na ito dahil in a way, naka-libre siya sa kanyang flower arrangement.

Imbis kasi na gumamit ng bulalak para sa kanyang bouquet sa kasal, binitbit na lang nito ang kanyang aso habang naglalakad sa aisle.

Viral ngayon ang furmom na si Joelle Yuvienco  at ang kanyang cute na aso na si “Sago.”

Ayon sa bride, hindi niya talaga planong magdala ng bulaklak. Ngunit nag-iba ang kanyang isip nang makita si Sago na suot ang mala-bubuyog na dress.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *