LGU hihilingin sa DA na maibaba sa pink zone ang Basud matapos ang dalawang buwan na wala nang naitatalang kaso ng ASF

CAMARINES NORTE – Hihilingin na ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Basud, Camarines Norte sa Department of Agriculture na maibaba na ito sa Pink zone mula sa kasalukuyang Red zone makaraan ang mahigit dalawang buwan na wala nang naitatalang kaso ng African Swine Fever sa naturang bayan.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Municipal Agriculturist Harry James Felomino na Pebrero pa huling nagkaroon ng kaso ng ASF sa naturang bayan na tinawag nilang “downtime” period.

Kapag naibaba na sa Pink zone ang isang lugar ay awtomatikong maibabalik sa mga nag- aalaga ng baboy ang mga pribelihiyo tulad ng insurance kaya pwede na uling ipa- insured ang kanilang mga alagang baboy para kung sakaling magkasakit o mamatay ay makakatanggap ng bayad mula sa gobyerno.

Sa ngayon ay nire- require na lang umano ng DA ang MAO na magsumite ng blood samples mula s aiba’t- ibang barangay para masigurong wala na talagang kaso ng ASF sa naturang bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *