Isang pulis at apat na myembro ng Truck Ban Traffic Management sa Apalit, huli sa entrapment operation ng IMEG

Arestado ang isang pulis at apat na kasama nito sa Truck Ban Traffic Management Office sa bayan ng Apalit matapos ang ikinasang entrapment operation ng pinagsanib na pwersa ng 3rd Battalion 35th SAC, Apalit MPS, at PNP-IMEG-LFU ngayong araw.

Kinilala ang mga suspek na sina Police Corporal Leomar Calegan 37 years old, residente ng Brgy Maimpis, San Fernando City at naka assign sa Apalit Municipal Police Station.Marlon De Guzman 39 years old residente ng Danga, Colgante; Menard Mendoza 32 years old residente ng Sta Lucia Matua, Masantol, Pampanga; Michael Maniulit, 50 year old, residente ng Muzon, Colgante, Apalit at Noel Manarang 23 years old, residente ng San Vicente, Apalit, Pampanga at pawang mga myembro ng Truck Ban Traffic Management Office.

Ayon sa PNP, inaresto ang mga suspek matapos nilang tanggapin ang pera mula sa operatiba ng IMEG na nag panggap na pahinante ng truck.

Lumalabas din sa imbestigasyon na umabot na sa 804,170 pesos ang nakolektang pera ng mga suspek mula sa mga dumadaan at pinapara nilang truck.samantala mahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 3019, the Anti Graft and Corrupt Practices Act; RA 6713, Code of Conduct and Ethical Standards for Government Employee; at Robbery Extortion.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *