IT’S A BIRD OR IT’S A PLANE? OH, IT’S A CRANE!: Isang higanteng peacock, ‘di umano’y pumarada sa tuktok ng Skyscraper sa Singapore

Sinong mag-aakala na ang isang higanteng peacock na kadalasang makikita sa kagubatan ay mapapadpad sa siyudad?

Napagkamalan ni Selena Sheikh, isang attendee ng Music Run Festival sa Singapore, na higanteng peacock ang isang crane na na-spotan sa isang matayog na building.

Manghang-mangha ang dalaga kasama ang kaniyang kaibigan sa rarest captured moment na inakala nilang peacock ang nasa gusali.

Ngunit, nang i-zoom nila ito, hindi sila makapaniwala at humagalpak nga sila sa katatawa nang mapagtanto na ito ay isang crane.

Ang crane ay isang makina na tulong sa paglilipat ng mga malalaking gamit na kung saan ay suportado ng lubid o beam. 

“Can you imagine if it was real? Massive Godzilla freakout” biro pa ng Sheikh. ###Johnoah Mae A. Zepeda, Intern

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *